Dapat ay umaksyon na ang liderato ng Senado at ipahinto ang ginagwang imbestigasyon ng Senate Comittee on Public Order and Dangerous Drugs ukol sa “PDEA leaks.”
Ayon kay Assistant Majority Leader Jil Bongalon, integridad ng institusyon ang nakasalalay sa patuloy na pagdinig ng komite kahit pa wala namang matibay na ebidensya ang naipresenta.
Sabi pa ni Bongalon, mismong mga senador ay kinuwestyon na ang tinatakbo ng pagdinig dahil pawang fabricated o gawa-gawa lang ang mga alegasyon.
Giit pa ng mambabatas na mismong ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay tinawag na professional liar ang dismissed PDEA agent na si Jonathan Morales.
Habang para kay Bongalon, isang pathological liar ang dating ahente dahil sa parati itong nagsisinungaling.
Sa panig naman ni Assistant Majority Leader Paolo. Ortega, hanggang kailan pa ba pahihintulutan ng Senado na magpatuloy ang imbestigasyon na isa lamang aniyang aksaya sa oras at resources ng Senado.| ulat ni Kathleen Forbes