Pinatawan na ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw na suspensyon ang lisensya ng driver ng Mercedes Benz na sangkot sa road rage at pamamaril sa Makati City noong martes.
Ito ay habang ongoing na ang imbestigasyon sa kinahaharap nitong kasong administratibo nito sa LTO.
Ayon kay LTO Chief Asec. Atty. Vigor Mendoza II, sa oras na mapatunayang guilty ang driver na si Gerrard Raymund Yu sa Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, kabilang sa maximum penalty nito ang matanggalan ng lisensya.
Una nang nagisyu ng show cause order ang LTO laban sa naturang driver at maging sa rehistradong may-ari ng itim na mercedes benz.
Paliwanag ni Asec. Mendoza, dahil nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang driver, ito ay oobligahing magsumite ng notarized affidavit.
“These are all part of the due process. What is important here is that it sent a strong message that the PNP and the LTO are working together to address this kind of crime,” Assec Mendoza.
Muli namang nagpaalala ang LTO sa mga motorista na magbaon ng maraming pasensya sa kalsada dahil walang naidudulot na mabuti ang init ng ulo. | ulat ni Merry Ann Bastasa