Handa na ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa pagdating ng La Niña.
Sa isinagawang QC Journalist Forum, ibinahagi ni QC Councilor Wency Lagumbay, chairperson ng Committee on Ways and Means, na natapos na ng lokal na pamahalaan ang paglilinis ng mga drainage sa lungsod upang maiwasan ang pagbaha tuwing may ulan.
Mayroon din aniyang Rain Water Harvesting na isinasagawa ang lokal na pamahalaan para makatulong sa pag-iipon ng tubig.
Hinikayat din ng QC LGU ang mga residente na makipagtulungan at ugaliing itapon ang basura sa tamang lagayan dahil ito ang nagiging sanhi ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig tuwing umuulan.
Patuloy din aniya ang lokal na pamahalaan sa pagtuturo sa publiko kung paano maging disiplinado sa pagtatapon ng basura at kung paano magtipid sa paggamit ng tubig.| ulat ni Diane Lear