Sinisikap na ng Department of Agriculture-National Dairy Authority na maiangat ang lokal na produksyon ng gatas sa bansa.
Sa ginanap na ‘Dairy Fair’ sa National Dairy Authority kasabay ng World Milk Day ay sinabi ni DA Usec for Livestock DV Savellano na nasa 30,000 metriko tonelada lamang sa ngayon ang produksyon ng bansa, kulang na kulang kumpara sa higit 3.3 milyong metriko toneladang demand.
Kasama sa target ng DA ang itaas sa 5% ang lokal na produksyon para mabawasan kahit papaano ang inaangkat ng Pilipinas.
Ilan naman sa mga gagawing hakbang ng DA ang pagpaparami sa mamagandang klase ng baka na makapagbibigay ng mas mataas na produksyon ng gatas.
Pinaplano rin ang pagpapatupad ng Sex Semen program, kung saan gamit ang teknolohiya ay nakapamimili ng kasarian ng baka.
Hihilingin din aniya ni Savellano ang mas malaking budget para sa NDA upang magawa ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa