Kinondena ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpatay sa isang opisyal ng ahensya sa isang pananambang kagabi sa Quezon City.
Si Mercedita Gutierrez, ang hepe ng Registration Section LTO Central Office ay pinagbabaril ng mga hindi kilalang salarin sa Kamia, QC.
Sa pahayag ni LTO Chief Vigor Mendoza II, tiniyak nitong makikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) hanggang mahuli at makulong ang mga taong nasa likod ng krimen.
Sa ngalan ng mga kawani ng LTO, nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay sa kanyang mga mahal sa buhay si Mendoza.
Kaisa din ang LTO sa pamilya nito sa paghahanap ng hustisya sa karumal-dumal na pagpaslang kay Gutierrez. | ulat ni Rey Ferrer