Asahan pa na makakaranas ng tuloy-tuloy na matinding init ng panahon ngayong araw ang lungsod ng Dagupan sa Pangasinan.
Batay sa two-day forecast ng PAGASA, posibleng papalo pa sa 47°C ang heat index sa lalawigan.
Naitala ang tuloy-tuloy na matinding init ng panahon sa Dagupan City at pinakamatindi ay noong Abril 29, na umabot sa 51°C.
Ayon sa PAGASA, pasok sa danger level category ang 42°C hanggang 51°C na sinuman ang mababad sa init ay posibleng makakaranas ng ng heat cramps, heat exhausion at heat stroke.
Samantala, papalo naman sa 46°C ang heat index na maramdaman sa Appari Cagayan.
May 28 pang lalawigan sa buong kapuluan ang makakaranas ng 42°C hanggang 45°C na heat index ngayong araw kabilang ang NAIA sa Pasay City.
Habang ang Science Garden sa Quezon City ay papalo sa 41°C na kinukunsiderang nasa “extreme caution category.” | ulat ni Rey Ferrer