Kapos na naman ang reserba ng kuryente sa Luzon at Visayas Grid.
Sa inilabas na abiso ng National Grid Corp of the Philippines, muling isasailalim sa Yellow Alert ang Luzon at Visayas Grid simula mamayang hapon.
Epektibo ang Yellow Alert sa Luzon Grid mula:
1:00PM-5:00PM
8:00PM-10PM
Habang ang Visayas Grid naman ay mula:
1:00PM-4:00PM
6:00PM-9:00PM
Ito ay dahil sa maraming planta pa rin ang naka-forced outage habang ang iba ay tumatakbo na kapos ang kapasidad.
Natukoy naman na nasa 1532.1MW ang na unavailable ngayon sa Luzon grid habang 550.1MW naman ang nawawala sa Visayas Grid. | ulat ni Merry Ann Bastasa