Isasailalim na naman sa Yellow Alert status ang Luzon at Visayas Grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipatutupad ang Yellow Alert status sa mga sumusunod na oras:
Luzon Grid
1:00PM-4:00PM
7:00PM-10:00PM
Visayas Grid
2:00PM-4:00PM
6:00PM-9:00PM
Paliwanag ng NGCP, ito ay bunsod muli ng forced outage sa ilang planta at kapos na kapasidad sa iba pa.
Sa ngayon ay nasa 14,687 megawatts ang available capacity sa Luzon Grid habang nasa 2,933 MW naman sa Visayas Grid. | ulat ni Merry Ann Bastasa