Muling ilalagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente.
Ipatutupad ang yellow alert status simula mamayang alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,409 megawatts ang grid dahil nasa 20 planta ang naka-forced outage habang dalawa naman ang kapos ang kapasidad.
Nasa 15,026 megawatts naman ang available capacity sa Luzon Grid habang ang peak demand ay 12,899 megawatts.
Kung sakaling kapusin ng suplay, pinayuhan ng Meralco ang mga korporasyon at commercial establishments na kasapi sa kanilang Interruptible Load Program (ILP) na ihanda ang kanilang generator sets para makatulong na maiwasan ang pagkakaroon ng power outage. | ulat ni Merry Ann Bastasa