Asahan na ang bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko sa bahagi ng C5 at EDSA dahil sa isasagawang asphalt overlay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasasakupan ng Pasig City.
Kabilang dito ang C-5 Ortigas Flyover Northbound at Southbound, C-5 Ortigas Flyover Westbound, C-5 Ortigas Interchange Flyover hanggang Tiendesitas, Ortigas Avenue Eastbound, C-5 Road Northbound.
Gayundin ang bahagi ng Manila East Road Amang Rodriguez, EDSA Ortigas Interchange papunta ng San Juan City at EDSA Shaw Flyover Westbound.
Isasagawa ang pagkukumpuni tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong mga ruta.
Pero bago ang isasagawang pagkukumpuni, pahirapan na sa mga motorista ang pagdaan sa mga nabanggit na kalsada dahil sa malalalim na lubak dito.
Samantala, ipinabatid din ng DPWH na magsasagawa sila ng “excavation works” o paghuhukay sa ilang mga sidewalk. | ulat ni Jaymark Dagala