Mabigat na trapiko sa Elliptical Road, asahan bukas ng umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista!

Asahan ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng Elliptical Road sa Quezon City bukas ng umaga, June 1.

Ito ay dahil sa isasagawang Run For HOPE 2024 – Organ Donation Awareness Run na pangungunahan ng Human Organ Preservation Effort ng National Kidney and Transplant Institute.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa Quezon Memorial Circle mula 3 AM hanggang 9 AM.

Magtutulungan naman ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang maisaayos ang daloy ng mga sasakyan sa lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us