‘Maghanda sa mga darating na hamon,’ bilin ni Lt. Gen. Galido sa mga Army cadet ng PMA Bagong-Sinag Class

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binilinan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang mga Army Cadet ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Bagong-Sinag Class of 2024’ na maghanda sa mga hamong darating.

Sa isang dinner reception para sa mga kadeteng tutuloy sa Philippine Army sa Cordillera Convention Hall, Baguio Country Club Baguio City noong Sabado, pinaalalahanan ni Gen. Galido ang mga batang opisyal na ang mga hamon at pressure na haharapin nila sa kanilang career ang magiging pagsubok ng kanilang karakter at disiplina.

Ang PMA ‘Bagong-Sinag Class’ ay binubuo ng 224 lalaki at 54 na babaeng kadete na nakatakdang i-komisyon bilang mga 2nd Lieutenant sa Philippine Army at Philippine Air Force, at ensign sa Philippine Navy. 

Sa bilang na ito, 144 ang sasama sa Philippine Army, kasama ang limang babae na kabilang sa Top 10 ng klase; 72 sa Philippine Navy, at 62 sa Philippine Air Force.  | ulat ni Leo Sarne

📸: Cpl. Rodgen Quirante, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us