Pumalo na 1,605 mga pasaway na motorista ang sinita at hinuli ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway.
Batay ito sa datos ng SAICT mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.
Nangunguna sa mga sinita at hinuli ng SAICT ang mga motorsiklo na nasa 674, sinundan ito ng mga pribado at pampublikong sasakyan na nasa 500.
Nasa 410 naman dito ang mga hindi awtorisadong bus at truck at 21 ang mga sasakyan ng pamahalaan maging mga ambulansya na hindi lehitimo ang lakad.
Paalala naman ng SAICT, malinaw ang direktiba ng Department of Transportation (DOTr) sa mga sasakyang pinapayagang dumaan sa EDSA Busway.
Kaya naman, mainam nang sumunod sa mga panuntunang ito kaysa mauwi pa sa hulihan at magbayad ng malaking multa. | ulat ni Jaymark Dagala