Mahigit 6,000 mga paaralan sa bansa, nagpatupad ng alternative delivery mode ngayong araw dahil sa mainit na panahon – DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 6,695 na mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nagsuspinde ng face-to-face classes ngayong araw dahil sa mainit na panahon.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) nasa 6,695 sa kabuuang 47,678 na mga paaralan sa bansa ang nagpatupad ng alternative delivery mode.

Magugunitang pinapayagan ng DepEd ang mga opisyal ng paaralan na magpatupad ng alternaitive delivery mode o modular at online classes kung kinakailangan.

Sa tala ng PAG-ASA, nasa 30 mga lugar sa bansa ang nakapagtala ng 42 hanggang 46 degrees Celsius na heat index o damang init ngayong araw.

Dito sa Metro Manila umabot sa 44 degrees Celsius ang heat index na pasok sa danger level na maaaring magdulot ng heat exhaustion.

Nauna namang sinabi ng DepEd, na batid ng mga school official na nananatiling prayoridad ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral, at kawani ng mga paaralan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us