Tinatayang umabot sa bilang na 6,367 na mga pasahero mula sa iba’t ibang pantalan na apektado ng Bagyong Aghon ang na-stranded simula kagabi dahil sa masamang panahon.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Ports Authority (PPA), as of 9:00pm, pinakamaraming stranded sa terminal at pantalang sakop ng Port Management Office (PMO) Bicol sa 3,221; na sinusundan ng PMO Batangas sa 1,685; PMO NCR North sa 900; PMO MarQuez sa 520; at PMO Panay/Guimaras sa 41.
Kapag napasailalim kasi sa Signal Number ang isang lugar kahit ito ay Signal No. 1 ay ipinagbabawal nang pumalaot ang lahat ng sasakyang pandagat kaya naman resulta, mga stranded na pasahero sa mga sa pantalan.
Pinaalalahanan naman ng PPA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa shipping lines para sa mga karagdagang impormasyon patungkol sa kanilang mga biyahe. | ulat ni EJ Lazaro