Mahigit 700 indibidwal na apektado ng landslide sa Mainit, Surigao del Norte, natulungan ng PRC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 209 na pamilya o katumbas ng 708 na indibidwal ang apektado ng landslide nitong weekend ang hinatiran ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC).

Sa ulat ng PRC, sa tulong ng kanilang Surigao del Norte chapter, umalalay ang kanilang mga volunteer sa mga biktima ng pagguho ng lupa kung saan marami sa mga ito ang nawasak ang mga bahay.

Sa ngayon, nananatili sa mga evaucation center ang daan-daang indibidwal kung saan nag set-up na ng Welfare at First Aid stations ang PRC.

Nabatid na malapit sa lugar ng minahan ang mga bahay na nasira dahil sa landslide.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang dahilan ng landslide na ayon sa mga naunang report ay biglaang nangyari. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us