Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang isinagawang job fair ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Robinsons Galleria Mall sa Quezon City ngayong Araw ng Paggawa.
Nasa 7,800 na trabaho sa ibang bansa ang inaalok dito na dinaluhan ng 22 mga recruitment agency.
Sa bilang na ito 19 ang land based at 23 naman ang sea based.
Isang aplikante naman ang na-hire-on-the spot sa isinagawang job fair na lumuwas pa sa Maynila mula sa Catanduanes, para magbakasali na makakuha ng trabaho sa ibang bansa.
Si Loraine Masagca ay na-hire-on-the-spot bilang household cleaner sa Saudi Arabia. Aniya, malaking tulong itong trabaho sa kaniya para sa kaniyang pamilya.
Sa mensahe naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, sinabi nitong ang mga aplikante na lumahok sa job fair ay makatitiyak na lehitimo ang mga job recruiter at sila ay dadaan sa lehitimong proseso ng DMW. | ulat ni Diane Lear