Malaking puno mula sa DepEd Compound sa Pasig City, bumagsak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Henry Javier Street sa Pasig City matapos na humambalang ang malaking punong nabuwal buhat sa compound ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City.

Nabatid na nabuwal ang puno ng “eucalyptus” kaninang alas-4 ng umaga na tinatayang nasa 15 metro ang haba.

Dahil dito, puspusan ang ginagawang pagputol ng mga tauhan ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa humambalang na sanga ng puno.

Kinailangan pa itong gamitan ng chainsaw dahil sa sobrang tigas ng kahoy ng puno, dahilan upang maging pahirapan ito sa mga responder.

Ang Henry Javier Street ay kasalukuyang ginagamit na alternatibong ruta ng mga motoristang tutungo sa Ortigas Central Business District ngayong sarado ang bahagi ng Meralco Avenue dahil sa ginagawang istasyon ng Metro Manila Subway. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us