Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang malawakang NavoRehistro Citizen Registration Program.
Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas ng programa na layong bumuo ng isang komprehensibong database ng mga indibidwal at mga pamilyang nakatira, nagttrabaho o di kaya ay rehistradong bumoto sa Navotas.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layon nitong mapalawak ang access ng mga residente sa mga serbisyo sa ibat ibang sektor gaya ng including social services, healthcare, education, livelihood, at peace and order.
Bahagi rin ito ng digitalization efforts ng LGU at paigtingin ang inclusivity at transparency sa panig ng pamahalaang lungsod.
Kasunod nito ay hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga residente na makibahagi sa programa sa pamamagitan ng pagtatala sa NavoRehistro web application sa www.citizen.navotas.gov.ph.
“We urge every Navoteño to take part in this initiative. Through this program, the city government will be able to build and maintain a comprehensive database. This, in turn, will enable us to allocate resources effectively and implement services tailor-fit to the needs of our people,” ani Tiangco. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: Navotas LGU