Palalawakin pa ng administrasyong Marcos ang contract farming program para mas maging abot kaya ang presyo ng bigas sa mga pilipino.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nagbigay na ng direktiba si Pang. Ferdinand R Marcos Jr para sa malakihang contract farming sa bansa.
Ito ay para maging posible ang hanggang sa P29 ang kada kilo ng bigas.
Sinimulan na aniya ng National Irrigation Administration ang naturang programa kung saan direktang sinuportahan ang nasa 40,000 ektarya ng sakahan sa layuning mapalago ang lokal na produksyon at kita ng mga magsasaka.
Kabilang sa suportang nilalaan ng NIA ang farm inputs, binhi, at mga pataba.
Inaasahan naman ang anihan ng naturang mga sakahan sa agosto na posibleng umabot sa higit 100,000MT o katumbas ng 100 milyong kilo ng bigas.
Ito ay ang ibebenta sa Kadiwa Stores sa Luzon, Cebu at Davao pagsapit ng buwan din ng agosto. | ulat ni Merry Ann Bastasa