Pino-proseso na ng Department of Social Welfare and Development ang pagsasama sa mga miyembro ng ‘Malaya Lolas’ sa kanilang Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.
Pahayag ito ng DSWD, kasunod ng isinagawang pagdinig sa senado kahapon tungkol sa mga issues at concerns sa Senate Resolution No. 539 o Philippine Government Treaty Obligations to the Comfort Women.
Nilinaw ni DSWD Assistant Secretary Elaine Fallarcuna, na bago pa man naglabas ng desisyon ang Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW), nagbibigay na ng assistance sa Malaya Lolas ang DSWD simula pa noong 2021
Sampung Lolas ang naging benepisyaryo na ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.
Ang ‘Malaya Lolas’ ay isang organisasyon ng mga dating comfort women o biktima ng sexual slavery noong panahon ng Japanese Imperial Army ng World War II.
Sabi pa ASec. Fallarcuna, ang mga natitirang myembro ng lolas ay nauna ng in-assess ng DSWD social workers at tiniyak na sila ay makakasama na sa Social Pension Program ngayong second semester of 2024. | ulat ni Rey Ferrer