Mambabatas, pinayuhan ang mga Pilipino na huwag paniwalaan ang ‘kwento’ ng China kaugnay sa ‘new model agreement’ sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas dapat pakinggan at paniwalaan ng mga Pilipino ang pahayag ng ating gobyerno.

Ito ang payo ng isang mga mambabatas kaugnay pa rin sa usapin ng umano’y new model agreement sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaan na sa pagharap ni dating WESCOM Chief Admiral Alberto Carlos sa Senado ay inamin nito na may Chinese diplomat na tumawag sa kaniya.

Gayunman, wala aniya silang napag-usapang ‘new model agreement’ at wala rin siyang pahintulot na ibinigay para i-record ang usapan.

Ayon kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, patuloy ang China sa pagpapakalat ng ‘false narrative’ para laruin ang mga Pilipino.

Paalala ng mambabatas, kailangan nating suportahan ang position at hakbang ng pamahalaan ukol dito dahil para ito sa interes ng ating bansa.

Sinabi pa ng minority solon na kaya nagpapakalat ng gawa-gawang kwento ang China, dahil alam nilang talo na sila sa international setting, lalo at pabor sa Pilipinas ang Arbitral Ruling.

“I’d mentioned that iyong China is operating on the way of public perception, but we also have to remember that their relying on this only because talo na po sila sa international setting. They cannot prove their claims, so ang ginagawa po nila they will claim this new model to parang instead of seeking independent third party, ito nga po iyong reason na gusto palagi nila bilateral, tayo na lang, mag-usap na lang tayo kasi mali ka. They would like to force this bully tactics, bullying tactics na po siya, may disinformation pa para magkaroon ng division dito sa country. But iyon we urge again the support for the stand of the national government,” giit ni Gutierrez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us