Inihanda na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ng Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nito ang mga kagamitang kakailanganin sa posibleng magiging epekto ng malakas na pag-ulan na dala ng bagyong si Aghon.
Ilan sa mga nakahandang gamit ng MDRRMO ay mga flood lights, chainsaws, motorboat, life vest, mga lubid, helmets, at marami pang iba.
Sa kasalukuan, patuloy na nakararanas ng mahinang pag-ulan ang lungsod na posibleng maranasan hanggang bukas, araw ng Linggo.
Sa mga mangangailangan naman ng tulong sa panahon ng emergency, maaaring maabot ang tanggapan ng MDRRMO sa pagtawag sa kanilang numero bilang 0932-662-2322.| ulat ni EJ Lazaro