Nagpapatupad na ng iba’t ibang hakbang ang Social Security System (SSS) upang mahabol ang mga employer na hindi naghulog ng kontribusyong ibinabawas sa kanilang mga manggagawa.
“Ito pong ating administrasyon ay nagmandato na paigtingin pa namin iyong ating tinatawag na RACE program.” -Nicolas
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni SSS NCR North Group Vice President Fernan Nicolas na una na dito ang programang RACE o run after contribution evaders, kung saan pinupuntahan nila ang mga employer na ito.
Sa kasalukuyan, marami na silang nakausap na employers.
Marami na rin aniya ang nakapag-settle, o nakapag-remit na ng mga kontribusyon na kanilang binawas sa sweldo ng kanilang mga kawani.
“Ongoing lahat, may mga programa kaming inilunsad para makatulong din sa employers na naapektuhan pa rin noong pandemic. Mayroon kaming mga installment programs na tinatawag; mayroon kaming condonation o penalty contribution program na kung saan pagbisita namin sa RACE Program nga inu-offer namin sa mga employers – ito iyong mga puwede nating i-avail na programa nang madali nating mabayaran iyong mga delinquencies nila sa SSS.” -Nicolas. | ulat ni Racquel Bayan