Nagdesisyon ang Pilipinas at India na hindi na ituloy ang dapat sana’y Passing Exercise (PASSEX) ng mga barkong pandigma ng dalawang bansa sa territorial waters ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad ito’y makaraang magdeklara ng isang araw na State of Mourning ang India kasunod ng pagkamatay ng Pangulo ng Iran na si Ebrahim Raisi dahil sa helicopter crash.
Ang naturang ehersisyo ay dapat sanang isinagawa kasabay ng goodwill visit ng Indian forces sa Pilipinas.
Layon nitong maisulong ang cultural harmony, kooperasyon at pagpapalakas ng interoperability at komuniksyon ng mga pwersa ng dalawang bansa.
Samantala, ayon sa Navy, nakaalis na ng bansa ang Indian Navy ships kahapon matapos ang apat na araw na goodwill visit sa bansa. | ulat ni Leo Sarne