Mas malaking kita inaasahan ng PCSO, kung masusugpo ang illegal gambling sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas mataas pa sana ang maibibigay na dibidendo ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa gobyerno kung magsusupo lang ang mga iligal na laro sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni PCSO General Manager Mel Robles matapos na kilalanin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang naging malaking kontribusyon ng ahensya sa pambansang kaban.

Ayon kay Robles, pinagsisikapan ng ahensya na mapalaki ang kita para mas maraming maibigay sa gobyerno na magagamit para sa mga programa at iba pang prayoridad na proyekto.

Pero, nahaharang aniya sila ng pagdami ng iligal na sugal na gumagamit ng mga laro ng PCSO para magkapera na may malaking epekto sa posibleng kita ng ahensya.

Nauna nang nagbigay ang PCSO ng P2.68 bilyon na dividend contribution sa gobyerno. Mas mataas ito kumpara sa P2.66 na kontribusyon nila noong 2022.

Samantala, umabot naman sa P61.45 bilyon ang kinita ng PCSO noong 2023 na mas mataas sa kinita nila noong 2022 na P57.46 bilyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us