Mas malawak na kolaborasyon sa seguridad at depensa sa Sweden, inaasahan ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mapapalawak ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Sweden sa larangang pandepensa at seguridad.

Ito ang ipinaabot ni AFP Inspector General Lt. Gen. Steve Crespillo kay Brigadier General Olle Hultgren, ang Swedish Military Adviser ng Department for Armament and Industry ng Ministry of Defense ng Sweden, sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ayon kay AFP Public Affairs  Office Chief Col. Xerxes Trinidad, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagsisikap ng AFP na tumuklas ng mga karagdagang oportunidad para isulong ang shared commitment ng dalawang bansa sa regional security at  global peacekeeping efforts.

Ang relasyong militar ng Pilipinas at Sweden ay naka-angkla sa Memorandum of Understanding Concerning Cooperation in the Acquisition of Defense Materiel, na nilagdaan noong June 3, 2023.

Ang kasunduan ang naging daan sa pagpapalawig ng kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa, partikular sa “procurement” ng kagamitang pandigma.  | ulat ni Leo Sarne

📸: A1C Castro/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us