Naitala ng pinakahuling Countryside Bank Survey ng BSP ang pagtaas ng mga pautang at serbisyong pang-agrikultura para sa taong 2022.
Ayon sa BSP survey, tumaas sa 18.1% ang agri loans and services para sa taong 2022 mula sa 17.6% noong 2021.
Pangunahing naitala ang pagtaas sa mga rural at cooperative bank, na nagpapakita ng expansion ng mga loan products para sa mga pangangailangang agrikultural.
Sinabi rin sa ulat na ang average na rate ng interes para sa mga pautang pang-agrikultura ay mula sa 12% hanggang 18%, mas mataas kaysa sa mga hindi pang-agrikulturang pautang, na mula 7.5% hanggang 16%.
Isinagawa ang nasabing survey sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA) kung saan sinuri nito ang mga trend sa pautang at mga policy implications, saklaw din ang mga aspeto tulad ng demand, borrower profiles, at repayment dynamics.
Sa kabila naman ng mga hamon tulad ng mga natural disaster at fluctuating incomes, nananataling committed ang mga bangko sa pagsuporta sa pagpapautang nito sa sektor ng agrikultura.
Kung saan sa hinarap ay inaasahan ng mga bangko na magiging paborable ang mga susunod na kondisyon para sa pautang sa nabanggit na sektor. | via EJ Lazaro