May-ari ng itim na Mercedez Benz na sangkot sa insidente ng road rage sa EDSA-Ayala sa Makati, pinatatawag ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng itim na Mercedes Benz na sangkot sa pamamaril sa isang 65 taong gulang na motorista sa EDSA-Ayala sa Makati City, kahapon.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, naglabas na ang ahensya ng show cause order (SCO) upang paharapin sa tanggapan ng LTO-NCR ang rehistradong may-ari ng sasakyan mula Las Piñas City at ipaliwanag ang nangyaring insidente sa June 6.

Kasong reckless driving at improper person to operate a motor vehicle ang kinakaharap ng may-ari ng sasakyan.

Samantala, ang kasong kriminal kaugnay ng pamamaril ay iniimbestigahan na ng PNP.

Mariing paalala ni Asec Mendoza sa mga motorista, na iwasan ang init ng ulo sa kalsada dahil wala naman aniyang magandang maidudulot ito.

Sa ngayon, naaresto na rin ng National Capital Region Police Office ang suspek sa ‘road rage’ at nakatakdang iharap sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong araw.

Matatandaang nangyari ang pamamaril dakong alas-2 kahapon sa EDSA-Ayala tunnel Southbound, kung saan nagkaroon umano ng alitan sa trapiko ang driver ng Mercedez Benz at Multi-Purpose Vehicle na nauwi sa pamamaril. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us