Nag-donate ng rainwater harvesting facilities ang Maynilad Water Services sa ilang local government units sa NCR at kalapit lalawigan.
Layon nitong magamit ng komunidad ang psilidad sa pangongolekta ng tubig ulan bilang alternatibong pagkukuhanan ng tubig.
Anim na units ng 1,500-liter-capacity rainwater harvesting facilities ang ibinigay ng water company sa mga lungsod ng Malabon, Manila, at Pasay sa Metro Manila; Bacoor sa Cavite, at sa mga munisipalidad ng Teresa at Morong sa Rizal.
Ayon kay Maynilad Chief Operating Officer Randolph Estrellado, ang hakbang ng Maynilad ay para matulungan ang local communities sa posibleng epekto ng El Niño upang magkaroon ng suplay ng tubig.
Maaaring gamitin ang tubig ulan para sa non- potable purposes, tulad ng pagdidilig ng halaman at paglilinis ng palikuran.
Upang lubusang magamit ang nakolektang tubig-ulan, maglalagay din ang Maynilad ng mga vertical garden frame kasama ang mga donasyong rainwater harvesting facilities. | ulat ni Rey Ferrer