Mayor ng Bamban, Tarlac, maaaring kasuhan ng perjury — COMELEC 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng makasuhan ng perjury ang alkalde ng Bamban, Tarlac dahil sa pagsisinungaling nito kaugnay sa kanyang citizenship. 

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chair George Erwin Garcia, kung talagang nagsinungaling si Mayor Alice Gou ay maaari itong gamiting ground sa anumang disqualification case. 

Sabi ni Garcia, lumabas sa kanilang record na noong April 2021 lamang naging registered voter ng naturang bayan si Mayor Gou. 

Kumpleto ang mga voter requirements ni Gou kung kaya’t tinanggap ito ng COMELEC Bamban, Tarlac noong nagparehistro. 

Nang siya ay manalo, wala rin naman daw naghain ng protesta laban sa kanya kung kaya’t nakaupo siya bilang alkalde. 

Ang citizenship ni Gou ay nauungkat ngayon matapos madawit ang kanyang pangalan sa operasyon ng POGO hub.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us