Tiniyak ng incoming NAIA management na mananatiling bukas sa media coverages ang nasabing paliparan kahit nasa ilalim na ito ng pribadong kumpanyang San Miguel.
Sa ginawang induction of officers ng airport press club, sinabi ni Lito Alvarez, manager ng new NAIA infra corporation at siyang nag representa kay business tycoon Ramon Ang ng San Miguel na maari paring makapag cover sa new NAIA ang media.
Nagtataka rin aniya siya saan nagmula ang agam agam ng media na hindi makakapag cover ang mga ito sa nasabing paliparan.
Paliwanag ni Alvarez, na mahalaga kay RSA ang papel ng media at patunay dito ang pagpapadala sa kanya bilang representante sa induction of officers ng APC.
Tumayo din bilang witness sa nasabing aktibidad si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Ines.
Samantala pamumunuan ni Ariel Dugoy Fernandez ng manila bulletin ang airport press club bilang pangulo nito, Itchie Cabayan ng journal bilang ika lawang pangulo, at Joyce Adra ng DZXLl bilang secretary. | ulat ni Lorenz Tanjoco