Muling nanawagan ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga commercial at industrial customer sa ilalim ng Interruptible Load Program (ILP) na magbawas ng konsumo ng kuryente.
Sa ilalim ng ILP, ang mga malalaking kumpanyang gumagamit ng maraming kuryente ay pansamantalang hindi kukuha ng kuryente mula sa grid.
Sa isang pahayag, sinabi ng MERALCO na kung kinakailangan ay handa silang magpatupad ng Manual Load Dropping o rotational brownout.
Ito’y matapos ilagay sa Red at Yellow alert ang Luzon grid ngayong araw
Ayon sa MERALCO, ang Manual Load Dropping ay kanilang responsibilidad para sa pangangasiwa ng kuryente.
Kaya dahil sa muling pagnipis ng suplay ng kuryente sa grid, sinabi ng MERALCO na hinihikayat nila ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente. | ulat ni Diane Lear