Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na nakahanda sila sa posibleng pagpapatupad ng manual load dropping (MLD) o rotating power interruptions ngayong araw.
Ito ay dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente sa Luzon Grid.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nakipag-ugnayan na sila sa mga malalaking consumer ng kuryente sa ilalim ng Interruptible Load Program (ILP) upang bawasan ang demand ng mahigit 300 megawatts.
Sa ilalim ng ILP pansamantalang hindi muna kukuha ng kuryente mula sa grid ang mga malalaking kumpanyang gumagamit ng maraming kuryente.
Aniya, handa naman ang Meralco na magpatupad ang MLD o rotating brownouts kung kinakailangan bilang bahagi ng kanilang responsibilidad na pangalagaan ang sistema ng kuryente. | ulat ni Diane Lear