Nananatili pa ring sapat ang alokasyon ng tubig ng Angat Dam para sa mga consumer sa Metro Manila.
Ito ang tiniyak ni MWSS Department Manager Patrick Dizon sa kabila ng pagsadsad sa minimum operating level ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa opisyal, nasa 52cms pa rin ang napupuntang alokasyon sa Metro Manila dahil kahit ibinaba ito sa 49cms ng NWRB, hinihiram naman sa ngayon ng MWSS ang 3cms na alokasyon ng tubig para sa irigasyon.
Paliwanag nito, napagkasunduan naman ito sa pagitan ng irrigators association ngayong patapos na ang anihan.
Kahit naman walang bawas sa alokasyon, patuloy aniyang ipinatutupad ng MWSS ang water pressure management sa ilang mga customer upang matipid pa rin ang tubig hangga’t wala pang sapat na ulang bumabagsak sa Angat dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa