Tumakbo sa loob ng tatlong araw ang pagsasanay sa may 100 badjao sa bayan ng Patikul, Sulu na layong mahasa ang kanilang kaalaman sa pananalapi at paghawak ng kanilang kabuhayan bilang bahagi ng programa ng Minsitry of Social Services and Development (MSSD) sa ilalim pa naman ng Layag Badjao Program.
Kinabibilangan ito ng 53 Badjao mula Barangay Tandu Bagua, 35 sa Brgy. Bon-bon at 12 naman mula Timpook, bahagi ng kanilang pagsasanay ang Basic Business Management, Financial Literacy at Basic Skills knowledge sa mga produktong pandagat.
Pagkatapos ng pagsasanay nakatanggap ng P15,000 seed capital ang mga nakilahok upang masimulan nila ang mga nais nilang maipundar na kabuhayan, bukod pa ito sa P3,600 na rice allowance.
Pagbabahagi ni Imelda Kangiluhan, Provincial Social Welfare Officer ng MSSD Sulu, layunin nilang unti-unting maingat ang pamumuhay ng mag Sama Badjao, sa kalakip na programa at pagsasanay ng tanggapan umaasa silang makatutulong ito para sa pangmatagalang kabuhayan ng mga ito.| ulat ni Eloiza Mohammad| RP1 Jolo