Tatlong araw na sabay-sabay nagsagawa ng Cash-for-Training ang Department of Social Welfare and Development-Bicol Region para sa partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI.
Ang Cash-for-Training ay isinagawa sa mga munisipalidad ng Pandan at Pilar sa mga lalawigan ng Catanduanes at Sorsogon.
Abot sa 787 benepisyaryo ang sumailalim sa tatlong araw na Learning and Development Session tungkol sa Project LAWA at BINHI.
Nakatuon ang mga paksa sa water sufficiency, crop-related at pest control, waste management at environmental protection.
Nilalayon nito na tugunan ang kawalan ng sapat na pagkain at kakulangan sa tubig gayundin ang pagaanin ang mga epekto ng climate change, partikular na ang El Niño phenomenon na kasalukuyang nakakaapekto sa bansa.
Ayon sa DSWD, ang cash-for-training ay ang unang hakbang sa pagpapatupad ng Project LAWA at BINHI. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD-Bicol