Ipinauubaya na ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac ang kaniyang kapalaran sa mga mambabatas na bumubuo ng makapangyarihang Commission on Appoinments (CA).
Ito’y matapos na maantala ang pagdinig ng komite para sa kumpirasyon ng pagkakatalaga o ad interim appointment kay Cacdac para sa naturang Kagawaran.
Ayon kay Cacdac, nagpapasalamat siya sa CA dahil sa pagkonsidera nito sa kaniyang ad interim appointment at kumpiyansa siyang nasagot ng maayos, tapat at totoo ang mga katanungang ibinato sa kaniya.
Giit pa ng Kalihim, kaniyang inilahad sa makapangyarihang komite ang mga polisiya, programa gayundin ang kanilang 10 point agena alinsunod naman sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Habang hinihintay ang magiging desisyon ng CA, sinabi ni Cacdac na patuloy niyang ilalatag sa mga mambabatas ang collective vision ng Kagawaran upang palakasin ang OFW sa pagtataguyod ng pambansang kaunlaran. | ulat ni Jaymark Dagala