Mga garbage bag na may lamang basura, nagkalat sa northbound lane ng EDSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang ginagawang paglilinis ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nagkalat na basura sa gitna mismo ng EDSA northbound mula sa bahagi ng Boni hanggang sa Shaw underpass.

Nagtutulong ang tatlong tauhan ng MMDA para hakutin ang mga nagkalat na basura kung saan, may orange cone na ring inilagay para magsilbing babala sa mga motorista.

Inabot ng dalawang oras bago nakaresponde ang mga tauhan ng MMDA, dahilan upang makaladkad ang mga garbage bag na nagresulta ng pagkalat ng mga basurang laman nito.

Lubhang napakadelikado nito lalo’t maaari itong magdulot ng aksidente lalo’t ilang motor rider na ang muntik nang sumemplang dahil napapahinto sa gitna ng EDSA.

Nagdulot naman ito ng pagbagal ng trapiko sa bahaging ito ng EDSA Boni.

Nabatid na posibleng nalaglag sa truck ng basura ang mga garbage bag na nasa gitna ng EDSA-Boni kaya ito nagkalat. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us