Kasama sa agenda ng isinagawang Command Conference ng Philippine Army na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalakas sa depensa ng karagatan at teritoryo ng Pilipinas.
Sa katunayan ay inilahad ni Army Chief Lieutenant General Roy Galido kay Pangulong Marcos Jr. ang tungkol sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept na bahagi ng pagpapalakas sa
defense capabilities ng Pilipinas.
Suportado naman ng Pangulo ang ipinresentang konsepto gayundin ang Capability Development Program para sa Philippine Army na magpapalakas sa Hukbong Katihan na aniya’y katuwang sa pagtatatag ng mapayapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Sa ilalim ng Philippine Army Capability Development Program ay naglalayon itong mas mapabuti din ang kakayahan ng ating mga sundalo.
Bago ang Command Conference ng Philippinr Army ay una nang nagpatawag ng bukod na Command Conference ang Pangulo sa hanay ng Philippine Air Force na ginanap sa Villamor Air base. | ulat ni Alvin Baltazar
📸: PCO