Nakapagtala ng makasasayang dami ng mga naibabang isda noong Abril sa mga regional fish port.
Batay sa datos ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), pumalo sa mahigit 60,000 metric tons ang dami ng mga isdang idinaong sa mga regional fish port.
Ito ang pinakamataas na naitalang dami ng isda sa kasaysayan ng PFDA at mas mataas ng siyam na porsyento kumpara noong Marso.
Ayon sa PFDA, ang General Santos Fish Port Complex at Navotas Fish Port Complex ang nanguna sa nakapagtala ng positibong trend sa total fish unloading.
Kung saan nag-unload sila ng mahigit 28,000 metric tons at mahigit 23,000 metric tons ng isda, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang regional fish port ay nakapagtala rin ng mahusay na pagbawi mula sa kanilang nakaraang buwang record. | ulat ni Diane Lear