Maliban sa Lungsod ng San Juan, epektibo na rin ngayong araw ang adjusted working hours sa mga Lungsod ng Marikina, Pasig, at Mandaluyong.
Ito’y bilang pagtalima sa ipinasang Resolution no. 24-08 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinagtibay naman ng Metro Manila Council (MMC).
Pero sa abiso ng Pasig City LGU, 80 porsyento ng kanilang mga kawani ang papasok mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Habang ang 10 porsyentong nalalabi ay papasok pa rin ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon partikular na iyong mga may departamento o dibisyon na nagbibigay ng vital service sa kanilang nasasakupan.
Una nang inihayag ng MMDA at MMC ang layunin ng pagpapatupad ng adjusted working hours sa mga local government employee bilang tugon na rin sa panawagang ibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila. | ulat ni Jaymark Dagala