Mga magsasaka, ikinatuwa ang pagbabalik ng crop insurance agency sa Department of Agriculture

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng Federation of Free Farmers ang Executive Order 60, na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagpabalik sa Philippine Crop Insurance Corporation bilang attached agency ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay FFF Board Chairperson Leonardo Montemayor, mahalagang component umano ng support program ng DA ang crop insurance para sa mga magsasaka at makatwiran lamang na maging bahagi muli ng DA ang PCIC.

Binabayaran ng korporasyon ang mga nakasigurong magsasaka kung ang kanilang ani ay nasira ng mga kalamidad, peste at/o sakit.

Una nang naghayag ng pagkabahala ang farmers group tungkol sa delayed payments ng claims at pagbawas ng benefits sa mga magsasaka.

Ito anila ay dahil sa ulat ng pagkahumaling ng Department of Finance (DOF) sa pagbabawas ng pondo at pagpapahusay ng financial profile ng ahensya.

Una nang ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paglipat ng PCIC mula sa DA patungo sa DOF sa rekomendasyon ng mga economic manager ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us