Mga magsasaka, mangingisda na apektado ng El Niño sa Soccsksargen, binigyan ng tulong ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño sa Region 12 o Soccsksargen.

Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng ahensya.

Pingunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamimigay ng tig-₱10,000 na ayuda sa nasa 10,000 benepisyaryo ngayong araw.

Bukod dito, nagbigay din ng tulong ang ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng TUPAD Program ng DOLE at livelihood assistance mula sa TESDA.

Matatandaang namahagi rin ng tulong ang DWSD at ibang ahensya sa mga magsasaka at mangingisda sa Zamboanga City kahapon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us