Mga mambabatas, pinuri ang AKAP program; Pagpopondo nito sa 2025 national budget, sisiguruhin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang pagtanggap ng mga mambabatas sa sabayan at opisyal na paglulunsad ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng pamahalaan.

Ayon kay Taguig Representative Pammy Zamora, malaking tulong ang programang ito para sa mga kababayan nating nagtatrabaho ngunit kulang ang kita.

Pawang mga tricycle driver ang naging benepisyaryo sa distrito ni Zamora.

Kaya naman susuportahan aniya nila na sa susunod na budget season ay madagdagan ang pondo para dito.

Pinuri naman ni Zambales Rep. Jay Khonghun sina Speaker Martin Romualdez at DSWD Sec. Rex Gatchalian sa pangunguna sa naturang programa, na pinakamalaking pamamahagi ng ayuda sa ksaysayan.

Aniya, ipinapakita nito ang commitment ng pamahalaan na makamit ang hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang maiwan sa kaniyang administrasyon.

Nasa P3 bilyong halaga ng ayuda ang ipinamahagi sa may isang milyong benepisyaryo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us