Mga mambabatas, pinuri ang Food Stamp Program ng administrasyong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng mga mambabatas ang Food Stamp Program ng pamahalaan kasunod na rin ng anunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na i-scale up at dagdagan ang mga benepisyaryo nito.

Ayon kay Deputy Majority Leader Janette Garin, hindi lang nito tinutugunan ang kagutuman ng mga mahihirap, kundi nakakatulong din sa mga magsasaka at Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) dahil ang ibibigay na tulong ay maaari lamang gamitin pambili sa mga accredited retailer.

“…Ang titingnan kasi natin dito, nabibigyan ng gobyerno ng tulong yung mga nangangailangan, but on the other hand the bigger impact there is yung binibilhan natin ay yung mga MSMEs, mga maliliit na negosyante, mga farmers, na yung kanilang produkto ay may mapupuntahan. So, in other words hindi na sila ngayon maiipit na mga traders na wala na silang ibang choice kundi ibenta ng murang mura yung kanilang mga produkto. So, it’s a collaboration of many things,” sabi ni Garin.

Maganda aniya na nasimulan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang programa na matagal nang ipinapanawagan.

Aminado naman ang kinatawan na sa ngayon ay maliit nga ang ₱3,000 na pondong inilaan para sa kada benepisyaryo ngunit maaari pa rin naman aniya ito madagdagan.

“It might not be enough but its a good start, but then it is not the only program. Later on, pwedeng tumaas ‘yang [ipamimigay ng gobyerno]. In other words, it is just one component of the whole big buy of public services. Kung titingnan natin, magkakaroon ng oportunidad na pang hanapbuhay, magkakaroon ng mas maraming tulong,” dagdag pa ni Garin.

Naniniwala naman si Bataan Representative Geraldine Roman na hindi band-aid solution ang Food Stamp Program.

Sa ngayon kasi, kagyat na kailangan tugunan ang kagutuman lalo na sa pinakamahihirap na mga pamilya.

Kaya rin naman aniya itinutulak nila ang ilang lehislasyon gaya ng amyenda sa Rice Tariffication Law ay upang sa pangmatagalan ay mapababa ng presyo ng bigas at gawing abot-kaya para sa mga Pilipino.

“At this moment we’re talking about three thousand because this is what is available for the moment. Of course, we welcome that, dahil malaking tulong yan para sa poorest the poor families where food is actually a problem. But then again as you say our goal here in Congress is of course to provide immediate relief, but also to look for long term solutions katulad nitong rice tariffication law. If rice is more accessible, mas mababa na ang presyo, ay hindi namomroblema ang karamihan ng mga pamilyang Pilipino,” ani Roman. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us