Mga mambabatas, suportado ang panawagan ng NSC sa China na buksan ang Bajo de Masinloc sa environmental inspection

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon ang ilan sa miyembro ng Kamara sa hamon ng National Security Council (MSC) sa China na buksan ang Bajo de Masinloc sa isang international inspection o kumuha ng 3rd-party inspectors upang makita ang totoong sitwasyon sa pinagtatalunang lugar.

Kasunod na rin ito ng nadiskubreng sirang mga corals sa lugar.

Ayon 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, anomang hakbang na kumikilala sa international law ay kanilang susuportahan.

Dagdag pa niya na walang sinomang partido ang papaboran ng independent at joint inspection.

Gayunman, hindi na umaasa si Gutierrez na papayag ang China dito.

“Of course, we support po yung call nung PCG, anything that respects the rule of law and international law, wala naman problema po sana doon kung naimbita pa yung China to have a joint path, open joint inspection naman po yun ano and it doesn’t favor anyone party, gusto lang natin malaman kung ano yung estado ng ating coral reefs doon, natural resources. So, I think walang masama po sa call na iyon and we definitely support it. But whether or not the other party will agree, I would not keep my hopes up,” sabi ni Gutierrez.

Mungkahi naman ni Lanao del Norte Representative Khalid Dimaporo, kausapin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang United States, Japan, o iba pang partners para tumulong sa paghahanap ng isang independent group na magsasagawa ng inspeksyon.

Paalala pa ng mambabatas na hindi lang ito concern ng Pilipinas ngunit ng buong mundo lalo at umiiral ang climate change.

Sa panig naman ni Davao Oriental Representative Cheeno Almario ang pagkakaroon ng independent inspection ay titiyak na walang magiging gawa-gawang kwento sa tunay na estado ng Bajo de Masinloc. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us