Asahan na ng mga manggagawa sa ilalim ng iba’t ibang sektor kung saan ang mga pananim at iba pang source of income ay naapektuhan ng El Niño, ay makatatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan.
Ito ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bahagi ng on going aid program ng gobyerno bilang pagtugon sa tag-tuyot.
“Sa susunod na araw ay magpapaabot tayo ng tulong pinansyal sa mga lubhang naapektuhan ng El Niño sa buong bansa – yaong mga nasiraan ng pananim at kabuhayan dahil sa tagtuyo’t,” -Pangulong Marcos.
Sa ika-122 Labor Day commemoration, sinabi ng Pangulo na ang financial assistance na ibibigay sa mga apektadong manggagawa ay karagdagan lamang sa programa ng Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gumugulong na.
Sabi pa ng Pangulo, bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang pagtulong sa mga naapektuhan ng tag-tuyot sa Mindanao.
Kung matatandaan ngayong araw, pinangunahan rin ni Pangulong Marcos ang pagsariwa sa ika-50 anibersaryo ng promulgation ng Labor Code of the Philippines na na-isyu noong May 1, 1974 sa ilalim ng adminisitrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. | ulat ni Racquel Bayan