Mga miyembro ng MANIBELA sa San Juan City, humabol sa franchise consolidation sa takot maituring na kolorum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy sa pamamasada ang mga jeepney driver na miyembro ng transport group na MANIBELA sa N. Domingo sa San Juan City matapos silang makahabol sa deadline ng franchise consolidation

Ayon sa mga tsuper na nakausap ng Radyo Pilipinas, inamin ng mga ito na natakot silang maituring na kolorum kaya’t nagpasya na silang humabol sa franchise consolidation noong Abril a-30

Kwento ng mga tsuper, napagkasunduan ng kanilang mga operator ang humabol sa consolidation at hinihintay na lang nila ang dokumento mula sa LTFRB na nagpapatunay na sila ay consolidated na

Giit nila, kailangan nilang kumita para sa kanilang pamilya kaya kahit tutol sila sa consolidation ay napilitan silang sumunod dito

Samantala, aminado naman ang ilang mga jeepney driver na may mga kasamahan silang nagmamatigas at kahit hindi consolidated ay bumabyahe pa rin pero kakaunti lamang ito

Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na bagaman ituturing nang Kolorum ang mga unconsolidated na mga jeepney ay hindi pa rin sila huhuluhin subalit bibigyan sila ng show cause order para pagpaliwanagin. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us