Mga natanggal sa Voters List, hinikayat ng COMELEC na samantalahin ang ginagawang registration para makaboto sa 2025 Midterm Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia ang mga botante na natanggal sa listahan na samantalahin ang isinasagawang pagpaparehistro.

Ito’y upang makaboto sa susunod na halalan sa May 2025 Midterm Elections.

Ayon kay Garcia, ang mahigit 4.2 milyong botanteng nawala sa listahan ay maaaring magtungo sa mga local COMELEC offices, sattelite registration, at Register Anywhere Program upang ipa-reactivate muli ang kanilang rehistro.

Sa ngayon, nananatili pa rin naman ang record ng kada botante kung saan bibigyan pa sila ng pagkakataon na ayusin ito.

Sinabi pa ni Garcia na ang mga pangalan ng mga botanteng natanggal sa listahan ay makikita sa mga local COMELEC offices at ilan naman sa mga ito ay hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan.

Paalala pa ng COMELEC na hanggang September 30 ang deadline ng pagpaparehistro at maaaring magparehistro ang mga aplikante mula Lunes hanggang Sabado, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa alinmang tanggapan ng COMELEC sa buong bansa. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us